^

Police Metro

Naaagnas na bangkay ng Grade 11 student, natagpuan

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Naaagnas na bangkay ng Grade 11 student, natagpuan
Kinilala ang biktima na si Lyan Ancheta, Grade 11 student sa Diffun National High School sa Barangay Aurora East, Diffun dito sa nasabing probinsya.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naging susi ang masansang na amoy na dahilan upang matagpuan ang naaagnas na bangkay ng isang babaeng Grade 11 student sa Brgy. San Isidro, Diffun, Quirino.

Kinilala ang biktima na si Lyan Ancheta, Grade 11 student sa Diffun National High School sa Barangay Aurora East, Diffun dito sa nasabing probinsya.

Aminado ang pulisya na blangko pa sila kung sino ang may kagagawan sa krimen, subalit nagsasagawa pa rin sila ng follow-up operations upang madakip ang salarin at matukoy ang motibo.

Sa ngayon ay sumisigaw ng hustisya at kataru­ngan ang pamilya’t kamag-anak ng biktima habang pinaglalamayan ng mga ito na puno ng hinanakit at hinagpis.

vuukle comment

BANGKAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with