^

Police Metro

Fishing ban planong ipatupad ni Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
Fishing ban planong ipatupad ni Marcos
Fishermen slowly pull their nets as they catch fish along the beach in Lingayen, Pangasinan.
The Philippine STAR / Cesar Ramirez

Sagot sa problema sa overfishing

MANILA, Philippines — Para matugunan ang problema sa overfishing at maparami ang fish population at aquaculture sa bansa ay plano ng pamahalaan na magpatupad ng fishing ban at iba pang mga hakbang.

Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang matiyak ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng isda sa bansa.

“Kung minsan kaila­ngan ‘wag uubusin yung isda para sa next season mayroon pa. Kaya yun yung tinitingnan natin ngayon,” ayon sa pangulo.

Sinabi ng pangulo na mayroong mga lugar na hindi dapat gawin palaisdaan dahil ang mga ito para sa breeding o pagpapadami ng mga isda.

Ayon sa pangulo, ang pag-develop ng agrikultura sa bansa ay hindi nakasentro lamang sa suplay ng bigas at mais kundi maging sa pagpapabuti ng fishery at livestock sectors.

“Kaya’t kasama sa ating development plan ang mga fisheries dahil nang bumaba ang dalawang bagay: bumababa ang ating nahuhuli, ng ating mga mangingisda dahil nasira na ‘yung mga kung saan pinalalaki ang mga isda,” dagdag pa ng pa­ngulo.

Sinabi ng pangulo na magpapatupad din ng mga programa ang adminis­trasyon hinggil sa pagpapatayo ng mas maraming cold storage facilities upang ma­iwasan ang pagkasira ng mga produkto.

Sa mga maliiit naman na bagsakan ng isda ay maglalaan ang gobyerno ng pagawaan ng yelo upang magamit ng mga mangi­ngisda.

FISHING BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with