^

Police Metro

Babae na nagla-live selling, hinoldap

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang babae ang hinoldap habang nasa kalagitnaan ng kaniyang online live selling sa loob ng kanilang bahay sa Sta. Rosa, Laguna, kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:00 ng hapon nang pasukin ng isang lalaki na naka-helmet ang bahay ng online seller na si Agnes Serafica, 52, sa Sta. Rosa, Laguna.

Makikita sa video ni Serafica na bigla na lamang pumasok ang lalaki at itinaob ang cellphone ng biktima na ginagamit sa live selling at saka siya tinutukan ng baril.

“Nakita ko po na may baril siya, so kaya po dumapa na kami. Hinihingi po niya ‘yung pera sa’min which is wala naman po talaga kaming pera. Hanggang sa ang kinukuha na lang nilang pilit is ‘yung alahas ko,” sabi ni Serafica.

Bukod sa lalaking nakita sa video, may kasabwat pa raw ito na naghihintay sa labas ng bahay. Mabilis silang umalis sakay ng motorsiklo.

May kasabwat na nagbabantay sa pinto ng bahay at mabilis na tumakas ang dalawa sakay ng motorsiklo matapos matangay ang pitong alahas at ang cellphone na ginamit sa live selling.

Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng lahat ng mga natangay sa biktima.

Sumuko na sa mga otoridad ang mga suspek at napag-alamang kapitbahay lamang ng biktima.

Ayon kay Police Lt. Col. Dwight Fonte, Jr., hepe ng Sta. Rosa City Police Station, madalas umanong kakwen­tuhan ng ama ng biktima ang isa sa mga suspek at po­sibleng dito nagsimulang pag-interesan ang kanyang anak. Nahaharap sa mga kaukulang reklamo ang mga suspek.

vuukle comment

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with