Marcos at US VP Kamala Harris nag-usap
Isyu South China China Sea tinalakay…
MANILA, Philippines — Nagkita sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris para sa bilateral talks sa sidelines ng ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia.
“The two leaders discussed the maritime security environment in the South China Sea, and reviewed opportunities to enhance bilateral maritime cooperation, including alongside likeminded partners,” ayon sa ipinalabas na kalatas ng White House.
Kapwa naman winelcome nina Pangulong Marcos at Harris ang identification o pagkilala sa apat na karagdagang sites sa Pilipinas kung saan may access ang US forces sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
“President Marcos and the Vice President also discussed opportunities to bolster bilateral economic cooperation and enhance economic resilience,” ayon sa kalatas.
Ibinahagi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga larawan nina Pangulong Marcos at Harris na nag-uusap.
Makikita rin sa larawan si Romualdez at ang anak ng Pangulo na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, senior deputy majority leader sa Kamara.
Sina Pangulong Marcos at Harris ay kapwa nasa ASEAN-US Summit sa Jakarta Convention Center, araw ng Miyerkules.
Winika naman ni Philippine Ambassador to Washington DC Jose Manuel “Babes” Romualdez na nais ng Estados Unidos at Japan na magkaroon ng trilateral meeting kasama si Pangulong Marcos sa sidelines ng summit.
- Latest