^

Police Metro

P160 milyong ismagel na yosi, nasabat ng Navy

Ludy Bermudo - Pang-masa
P160 milyong ismagel na yosi, nasabat ng Navy
Nasabat ng Philippine Navy ang nasa P160 milyong ha­laga ng ismagel na yosi sa Zamboanga.

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P160 milyon halaga ng ismagel na yosi ang nasabat ng Philippine Navy na siyang nakatanggap ng intelligence report mula sa Bureau of Customs’ (BOC) Intelligence Group (IG) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Zamboanga nitong Agosto 23, 2023.

Ikinustodiya na ng Navy, katuwang ang mga elemento ng PC390, ang M/B INDAH NADZ na may lulang 12 crew sa bisinidad ng Baturapac Island sa Tandubas,Tawi Tawi at natuklasan ang may 2,798 master cases ng Oakley Original Cigarettes.

“The team intercepted and inspected the said vessel loaded with master cases of assorted brands of smuggled cigarettes after receiving information from our IG and CIIS Zamboanga,” ani Customs Commissioner Bien Rubio, at pinuri ang Intelligence Group ng ahensiya dahil sa mabilis na pag-aksiyon at proactive response sa mga ulat na ka­nilang natatanggap.

Sinabi naman ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy na ang final inventory ng mga naturang goods at sa motor boat ay isinagawa ng araw ding iyon ng Customs Inventory Team.

Ang motor boat, na nagkakahalaga ng P3 mil­yon, ay kasama rin sa isi­nagawang imbentaryo.

Nabatid na hindi inaasahan ng grupo na makakadiskubre ng mga smuggled cigarettes dahil batay sa impormasyong kanilang natanggap, naglalaman ang motor boat ng mga smuggled fuel. “But this was not the case,” ani Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso, “because it became immediately clear to our agents that the boat was carrying what could be smuggled cigarettes if the owner fails to present the proper documents.”

Nakipag-ugnayan naman agad ang CIIS-Field Station sa Zamboanga sa BOC Tawi-Tawi personnel at Office of the District Collector upang bantayan ang motor boat hanggang sa masimulan ang imbentaryo. Ineskortan na rin ang motor boat ng Navy at ng mga elemento ng PC390 sa Bongao Pier.

SMUGGLED CIGARETTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with