^

Police Metro

Kelot inaresto sa ‘sextortion’

Danilo Garcia - Pang-masa
Kelot inaresto sa �sextortion�
Ayon sa ulat, dinakip ng National Bureau of Investigation Anti-Organized and Transnational Crime Division ang suspek na si Lester Jhon Ponce, nasa hustong gulang sa Cubao, Quezon City sa isang kainan sa Cubao nitong nakalipas na linggo makaraang ireklamo ng babaeng biktima na isang menor-de-edad.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki sa Quezon City ma­tapos mangikil umano kapalit ng ‘di pagpapakalat ng maseselang video at larawan ng kanyang mga biktima.

Ayon sa ulat, dinakip ng National Bureau of Investigation Anti-Organized and Transnational Crime Division ang suspek na si Lester Jhon Ponce, nasa hustong gulang sa Cubao, Quezon City sa isang kainan sa Cubao nitong nakalipas na linggo makaraang ireklamo ng babaeng biktima na isang menor-de-edad.

Sumbong ng isang menor-de-edad na babae sa NBI, kinaibigan daw siya ng suspek hanggang sa nakumbinsi siyang  ma­kipagtalik. Patago pala siyang kinukunan ng vi­deo na kalauna’y ginamit pang blackmail.

Ayon kay NBI spokesperson Gisele Garcia-Dumlao, paulit-ulit na tinatakot ng suspect ang biktima na ikakalat nito ang mga maseselang video at larawan kung hindi ito makikipagtalik sa kanya at hiningian din ito ng halagang P37,000.”

Pinagbigyan umano ng biktima ang mga demand ng suspek, pero ipinadala pa rin  ng suspek ang maseselang video at litrato nila ng biktima sa social media ng kanyang pamilya, kaibigan at mga kasama sa eskwelahan.

Para raw burahin ang mga ito, nag-demand muli ng pera at pagtatalik ang suspek, na nauwi na sa entrapment operation.

Natuklasan din ng NBI na may iba pang nagre­reklamo laban sa suspek ng mga biktimang mga edad siyam, 12 at 17.

Susuriin ng NBI ang cellphone ng suspek para ma-trace ang iba pang nabiktima nito.

Sinampahan ng pag­labag sa child abuse law at Anti-Photo and Video Voyeurism Act, simple seduction, grave coercion, at robbery extortion at nakaditine sa NBI Custodial Jail ang suspek.

vuukle comment

SEXTORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with