^

Police Metro

Babae kinatay ng lalaki kasama sa hotel

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Duguang bangkay nang madiskubre ng mga kawani ng hotel ang isang babae sa loob ng inupahang silid ng hotel habang tumakas ang lalaki na kasama nitong nag-check in sa Solfacio Hotel, Brgy. Zapote 1, Bacoor City, Cavite, kahapon.

Ang biktima ay inilarawan na nasa pagitan ng edad na 40-50 habang ang suspek na si alyas Rommel ay nakilala nang maiwan nito sa receptionist counter ang kanyang back pack sa pagtakas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:57 ng madaling araw nang mag-check in ang biktima at suspek sa Room 304, ng nasabing hotel.

Labindalawang oras ang binayaran ng mga ito sa pag-check in at alas-6:30 ng umaga ay bumaba ang suspek bitbit ang kaniyang back pack at sinabi sa receptionist na bibili lamang siya ng almusal .

Napansin ng receptionist na balisa ang suspek kaya’t nang  tinanong sa sinusunod na protocol ng nasabing hotel ay biglang nagtatakbo ang una palabas ng hotel at naiwan ang back pack at nakita ang mga ID kaya’t siya ay nakilala.

Agad na tinungo ng mga staff at roomboy ang kuwarto ng mga ito at nakita nila ang duguang bangkay ng biktima sa ­ibabaw ng kama at patalim na ginamit sa pagpatay.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with