^

Police Metro

Bagong silang na sanggol kinidnap sa ospital ng pekeng nurse

Mer Layson - Pang-masa
Bagong silang na sanggol kinidnap sa ospital ng pekeng nurse
Batay sa ulat ng Bina­ngonan Municipal Police Station, ala-1:30 ng hapon nang maganap ang pagtangay sa sanggol sa loob mismo ng Margarito Duavit Hospital sa Brgy. Dara­ngan, Binangonan, Rizal.
Image by Christian Abella from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang bagong silang na sanggol ang tinangay ng isang hindi kilalang babae na nagpanggap na nurse sa loob mismo ng isang pagamutan sa Bina­ngonan, Rizal, kama­kalawa.

Pinaghahanap na ng mga otoridad ang hindi pa pinangalanang suspek upang maaresto at mabawi ang biktimang si Baby Jobillano at maibalik sa kaniyang mga magulang.

Batay sa ulat ng Bina­ngonan Municipal Police Station, ala-1:30 ng hapon nang maganap ang pagtangay sa sanggol sa loob mismo ng Margarito Duavit Hospital sa Brgy. Dara­ngan, Binangonan, Rizal.

Nauna rito, pinuntahan ng suspek na nakasuot ng nurse uniform ang ina ng sanggol na si Joana Marie Jobillano at lola nito, at nagpakilalang isang nurse.

Sinabihan umano ng suspek ang ginang at lola na dalhin ang bata sa laboratoryo para isailalim sa newborn screening na agad namang sumunod.

Bago nakapasok sa laboratoryo ay sinalubong umano ng suspek ang mag­lola at binigyan ng newborn screening form ang matanda at sinabihan na bumalik at papirmahan ito sa ina ng sanggol.

Kinuha rin umano ng suspek ang sanggol mula sa kanyang lola at sinabing sumunod na lamang ito sa kanila sa laboratoryo pag­katapos mapirmahan ang form.

Nang mapirmahan ng ina ang form ay kaagad na itong dinala ng lola sa laboratoryo ngunit laking gulat nang sabihin ng mga nurse doon na walang sanggol na ipinasok doon para sa newborn screening.

Kaagad namang inalerto ng mga tauhan ng ospital ang nurse station at mga guwardiya kung may nakita silang sanggol na inilabas sa ospital.

Nang rebyuhin ang CCTV footage, dito nakita ang suspek na nakasuot na ng itim na jacket at karga ang sanggol.

Umalis ito ng ospital at sumakay ng isang tricycle na walang plate number at binagtas ang direksiyon patungong Binangonan proper.

vuukle comment

SANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with