Big-time oil price hike, larga uli sa Martes
MANILA, Philippines — Muli na namang raratsada sa susunod na linggo ang malakihang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ito ay bunga umano ng resulta ng galaw ng presyuhan ng produktong petrolyo sa nagdaang mga araw.
Ayon sa mga oil players, malamang na abutin ng P1.35 hanggang P1.65 kada litro ang taas presyo ng gasoline habang P1.10 hanggang P1.40 kada litro ang taas sa presyo ng diesel; at P2.05 hanggang P2.40 kada litro ang taas sa presyo ng kerosene.
Ang inaasahang oil price hike sa susunod na linggo ay ika-limang linggo nang sunod na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo.
Ang pagbabawas ng produksyon ng langis ng Saudi at Russia ang sinasabing ugat ng sunud-sunod na oil price hike.
Tuwing araw ng martes, ipinatutupad ang oil price adjustment.
- Latest