^

Police Metro

Jalosjos Jr. sinibak ng SC bilang Zambo del Norte solon

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinawalang bisa ng Korte Suprema ang pagkapanalo ni Romeo Jalosjos Jr. bilang kinatawan ng unang distrito ng Zamboanga del Norte.

Sa botong 12-2, kina­tigan ng Mataas na Hu­ku­­man ang nanalong si Roberto “Pinpin” Uy Jr. matapos ang mahigit isang taon nang iproklama ng Commission on Elections (Comelec) si Jalosjos noong Hunyo 23, 2022 sa naganap na May 2022 elections.

Hindi naman sumang-ayon sa  desisyon na ipinonente ni Associate Justice Mario Lopez sina Marvic Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa.

Noong Hulyo 2022, nagpalabas ng status quo ante order ang SC upang hin­di makaupo si Jalosjos sa Kongreso kaugnay sa inihaing petisyon ni Uy.

Nagprotesta si Uy sa resul­ta ng halalan at ang diskwalipikasyon ng nui­san­ce candidate na si Fe­derico Jalosjos, na naidagdag ang mga boto nito sa ka­buuang boto ni Jalosjos.

Si Jalosjos, anak ni da­ting congressman Romeo Jalosjos Sr., ay nakakuha ng boto na 69,109 votes, at sumunod lamang siya sa nangunang si Uy na may 69,591 boto.

Nagpasiya naman ang Comelec na ipasa kay Ja­los­jos ang nakuhang boto ni Federico Jalosjos kaya umabot sa kabuuang 74,533 boto na nilagpasan ng 4,942 votes si Uy.

ROMEO JALOSJOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with