^

Police Metro

Sagupaan sa Bilibid: Preso utas, 9 pa sugatan!

Ludy Bermudo - Pang-masa
Sagupaan sa Bilibid: Preso utas, 9 pa sugatan!
Sa inisyal na ulat na isinumite kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ni J/Senior Ins­pector Angelina Bautista (Ret.), Officer-in-Charge-Deputy Director for Ope­rations at NBP superintendent, nagkaroon lamang ng iringan ang dalawang preso, dakong alas-9:00 ng gabi na nauwi sa karahasan.
The STAR / Ernie Peñaredondo

Batang City Jail vs Bahala na Gang

MANILA, Philippines — Isa ang patay habang 9 pang preso o person deprived of liberty­ (PDL) ang sugatan sa pamamaril sa loob ng New Bilibid Pri­sons (NBP) sa Muntinlupa City nitong Martes ng gabi.

Gayunman, nilinaw agad ng Bureau of Correction (BuCor) sa inilabas nilang statement kahapon ng hapon na walang riot sa naganap na insidente, kundi alitan lamang ng dalawang preso na miyembro ng Batang City Jail at Bahala na Gang.

Sa inisyal na ulat na isinumite kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ni J/Senior Ins­pector Angelina Bautista (Ret.), Officer-in-Charge-Deputy Director for Ope­rations at NBP superintendent, nagkaroon lamang ng iringan ang dalawang preso, dakong alas-9:00 ng gabi na nauwi sa karahasan.

Nabatid na unang na­awat ang dalawang nag-aaway na preso subalit ang isang PDL na ‘di kasali sa away ay nagpaputok ng baril kaya nagkaroon ng panic at kaguluhan.

Matapos ang komosyon­, isang Alvin Barba ang na­tuklasang patay dahil sa saksak ng icepick habang 9 ang sugatan na kinila­lang sina Ampatuan Mi­suari, Emmanuel Carino, Ma­kakna Iman, Marlon Cepe, Bernand Marfilla, Franklin Siquijor, Joner Moralde, Heron Supitran at Ardie Severa.

Iniimbestigahan naman­ ang PDL na si Joseph Serrano upang matukoy kung paano siya nagkaroon ng baril sa loob ng NBP habang nakapiit.

Nagsagawa na ng clea­ring operations ang SWAT team ng BuCor sa Quadrants 1, 2, 3 at 4 habang sinuspinde ang dalaw sa mga preso dahil sa insidente.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

RIOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with