^

Police Metro

Public transport ‘di mapipilay — LTFRB

Danilo Garcia - Pang-masa
Public transport ‘di mapipilay — LTFRB
Anya, kung pagbabasehan ang nauna nang transport strike ng natu­rang­ grupo, maaaring nasa 3-4% lang ang mga jeepney driver na makikisali rito sa Metro Manila, at Region 4 na maliit na bilang lang at hindi makakaparalisa sa pampublikong transportasyon.
Edd Gumban / File

Contingency plan kasado sa 3 araw na tigil-pasada…

MANILA, Philippines — Hindi gaanong makakaapekto sa mga commuter ang nakaambang 3-day transport strike ng grupong MANIBELA.

Ito ang kumpiyansang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz.

Anya, kung pagbabasehan ang nauna nang transport strike ng natu­rang­ grupo, maaaring nasa 3-4% lang ang mga jeepney driver na makikisali rito sa Metro Manila, at Region 4 na maliit na bilang lang at hindi makakaparalisa sa pampublikong transportasyon.

Nagpahayag na rin aniya­ ang pitong malala­king trans­port group kasama ang UV Express na hindi makiki­lahok sa tigil-pasada.

Sa kabila nito, nakalatag na ang contingency measures ng ahensya upang maalalayan ang mga pasahero.

Kasama rito ang pagde-deploy ng libreng sakay at rescue buses sa mga rutang posibleng mawalan ng bibiyaheng jeepney.

Nakipag-ugnayan na rin ito sa PNP para mabantayan ang kaligtasan ng bawat tsuper at pasahero partikular sa ilang key areas na may banta ng pamba­bato, paglalagay ng spike sa kalsada, at pangha-harass sa mga tsuper para lang lumahok sa strike.

Nagbabala rin si Chair Guadiz sa mga sasali sa strike na mahaharap ang mga ito sa sanctions kabilang ang suspensyon o revocation ng kanilang prangkisa.

PUBLIC TRANSPORTATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with