Lalaki na inaresto sa indiscriminate firing, tumalon sa ika-3 palapag ng Manila City Hall
MANILA, Philippines — Isang lalaki na unang inaresto dahil sa pagpapaputok ng baril ang tumalon sa ikatlong palapag ng Manila City Hall habang ito ay dinadala sa piskalya, kahapon ng umaga. Batay sa kuha ng CCTV ng Manila City Hall, alas-11:00 ng umaga ay makikitang naglalakad ang suspek na si Lyle Adams Fernandez y Yanguas, 32, construction worker sa pasilyo ng gusali kasama ang dalawang pulis na kanyang escort na nasa unahan.
Nabatid na nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa opisina ni Assistant City Prosecutor Glen R Romano ang suspek nang tumalon sa ikatlong palapag.
Itinakbo ng MDRRMO Rescue Team ang suspek sa Philippine General Hospital na patuloy na ginagamot matapos mabali ang kanang binti at magtamo ng mga sugat.
- Latest