^

Police Metro

400 tinamaan ng ‘Chikungunya’

Ludy Bermudo - Pang-masa
400 tinamaan ng ‘Chikungunya’
Sa pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH, mayroong 371 kaso ang iniulat mula Enero 1 hanggang Hunyo 17, 2023.
Freeman / File

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Health na halos 400 na kaso ng sakit na Chikungunya ang naitala sa buong bansa ng nagdaang mga buwan.

Sa pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH, mayroong 371 kaso ang iniulat mula Enero 1 hanggang Hunyo 17, 2023.

Nasa 55% ito kumpara sa naitalang 239 na kaso ng sakit sa parehong panahon noong nakalipas na taon.

Nagtala ng pinakamataas na bilang ang Zamboanga Peninsula na may 114; Mimaropa na may 107; at Caraga na may 50.

Samantala, sa nakapagtala ng pinakamataas kung ikukumpara noong 2022 ay ang Mimaropa, Cagayan Valley, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Soccsksargen.

Ayon pa rin sa datos ng DOH, wala namang naitalang nasawi sa sakit sa taong ito at noong 2022.

Kagat ng lamok ang sanhi rin ng chikungunya na ayon sa World Health Organization (WHO) ay bihira naman ang nauuwi sa kamatayan o malubhang karamdaman.

DISEASE SURVEILLANCE REPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with