Kerwin Espinosa pinawalang sala sa drug case
MANILA, Philippines — Pinawalang-sala ng Makati court si Rolan “Kerwin” Espinosa at kapwa akusadong si Marcelo Adorco sa kaso ng illegal trafficking at trading ng shabu matapos mabigo ang prosekusyon na magpakita ng sapat na ebidensya.
Ayon sa 21 pahinang desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 65,“Wherefore, in view of the foregoing, the Demurrer to Evidence filed by both accused are hereby granted. Accordingly, Rolan E. Espinosa and Marcelo L. Adorco are hereby acquitted of the offense charged on reasonable doubt. They are ordered immediately released from detention unless they are confined for any other lawful cause.”
Sa kabila nito, hindi pa rin naman makalalaya si Espinosa dahil may kinahaharap pa siyang kaso sa dalawa pang korte, ayon sa abogado niyang si Raymund Palad.
Magugunita na sina Espinosa at Adorco ay inakusahan na nagbebenta ng c80 kilograms ng shabu sa dalawang pagkakataon noong una ay noong Feb. 16, 2013, at ikalawa ay noong June 7, 2015.
- Latest