^

Police Metro

Apat nabagsakan ng container van, patay

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao kabilang ang 10-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos mabagsakan ng isang 40 footer na container van na nahulog mula sa trailer truck ang sinasakyan nilang dump truck, kamakalawa sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.

Kinilala ang mga nasawi na sina Robinson Canoos, 51; at ang 10-an­yos nitong anak na si Jussin; Rusita Becoy, 60; at Samuel Ceniza, 50, kapwa mga residente ng Barangay Calipapa, ng nasabing bayan.

Sa pahayag ni P/Captain Christian Patayon, acting chief ng Sultan Naga Dimaporo municipal police, mabilis ang patakbo ng driver ng trailer truck na si Joseph Felipe Abalos, 41 at pagdating sa pakurbada ng highway na sakop ng Brgy. Dableston ay tumagilid ito at nahulog ang container van na lulan at bumagsak sa kasalubong na dump truck na sinasakyan ng apat na biktima na pawang naipit.

CONTAINER VAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with