^

Police Metro

Remulla sinungaling, ‘P8 milyong suhol’ kathang isip!

Joy Cantos - Pang-masa
Remulla sinungaling, âP8 milyong suholâ kathang isip!
This photo shows Rep. Jesus Crispin Remulla (Cavite).
Boying Remulla Facebook page

MANILA, Philippines — Cong. Teves bumuwelta: Mariing tinawag na sinungaling at “king of sablay” ng suspendidong si 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na nagsabing sinuhulan ng kaniyang kampo ng tig-P8 milyon ang bawat isa sa limang testigo para bawiin ang kanilang testimonya sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa video message sa kaniyang facebook page, bumuwelta si Teves sa naging akusasyon ni Remulla at iginiit nito na nag-iimbento lamang ng kuwento ang kalihim. Aniya, puro kathang isip lamang at hari ng sablay ang DOJ Secretary sa mga pinagsasabi nito.

Giit ni Teves, hindi niya maunawaan kung saan nakuha ni Remulla ang P8 million figure na ipinanuhol umano niya sa mga testigo upang bawiin ang kanilang testimonya laban sa kaniya.

“King of sablay, fake news, sinungaling. Kung ano-anong lumalabas sa utak mo hindi naman totoo,” patutsada pa ni Teves kay Remulla.

Nitong nakalipas na Miyerkules ng gabi, si Teves ay pinatawan ng panibagong 60 araw na suspensyon ng Kamara sa botong 285-0-1 bago ang sine die adjournment ng unang bahagi ng 19th Congress at binawi rin ang membership nito sa mga committee ng Kamara.

Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Degamo na pinagbabaril noong Marso 4 sa compound ng kaniyang tahanan sa Pamplona, Negros Oriental. Bukod kay Degamo, patay rin ang walo pang katao habang 17 na iba pa ang sugatan sa pag-atake.

ARNOLFO “ARNIE” TEVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with