^

Police Metro

7 timbog sa P4.1 milyong puslit na yosi

Doris Franche-Borja - Pang-masa
7 timbog sa P4.1 milyong puslit na yosi
A member of the Bureau of Fire Protection drenches in water seized smuggled cigarettes that were destroyed in a rented warehouse in Zamboanga City
Roel Pareño

MANILA, Philippines — Pitong suspek ang ina­resto ng mga awtoridad matapos mahulihan ng aabot sa P4.1 milyon na halaga ng smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City.

Ayon kay Col. Ale­xander Lorenzo, Zamboanga City Police Office director, kinilala ang mga inarestong suspek na sina Atara Sakilan Wahab, 60, motorboat skipper; Jester Ares, 22; Nabil Abdurasad, 50; Eldisen Ahalil, 29; Omar Mahmor, 24; Mhamor Baddon, 48; at Khay Atara, 19.

Aniya, naharang ang grupo kasama ng smuggled na kargamento bandang 9:30 ng gabi sa Ma­nalipa, isang island village ng lungsod.

Nasaktuhan ng mga operatiba mula sa 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2ZCMFC) kasama ang Bureau of Customs (BOC) sa isang seaborne patrol, ang isang motorboat na may markang “Dickies.”

Napag-alaman na ang naturang motorboat lulan ang pitong crew ay nagla­laman din ng 119 master cases ng assorted na mga sigarilyo at nagkakahalaga ng P4.1 milyon.

Bigo namang ma­ka­pagpakita ng dokumento ng sigarilyo ang sakay ng motorboat na bibiyahe sana patungong Pagadian City, Zamboanga Del Sur mula Jolo, Sulu.

Dinala na sa 2ZCMFC headquarters ang mga naarestong suspek kasama ang kontrabando para sa inspeksyon, inventory at tamang disposisyon.

Ito na ang ikaapat na pagkumpiska sa mga smuggled na sigarilyo sa buwan ng Mayo. - John Unson

SMUGGLED CIGARETTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with