^

Police Metro

Klase sa mga iskul sa Quezon City, pinaigsi ang oras

Angie dela Cruz - Pang-masa

Sa sobrang init ng panahon

MANILA, Philippines — Bunsod sa nararanasang matinding init ng panahon, nagpatupad na ng pagbabago sa teaching modalities ang mga pampublikong paaralan sa Quezon City.

Ito ay bilang tugon ng Schools Division Office (SDO)-Quezon City sa kahilingan ng mga mag-aaral at guro sa mga pampublikong paaralan sa lungsod na paigsian ang oras ng kanilang klase dahil sa sobrang init ng panahon sa nakakaapekto sa loob ng mga silid-aralan.

Ang hakbang ay alinsunod na rin sa kautusan ng Department of Education (DepEd) hinggil sa pagpapatupad ng modular distance learning sa panahon na may kalamidad tulad ng bagyo, pagkawala ng suplay ng kuryente at iba pang uri ng disasters.

Ayon sa SDO-QC, pinapayagan nito ang iba’t ibang uri ng modalities kasama na ang pagpapaikli ng oras ng pasok ng mga mag-aaral sa ilang mga public schools sa Quezon City dahil sa sobrang init ng panahon.

Ang hakbang na ito ay kinatigan naman ni QC Mayor Joy Belmonte para maprotektahan ang kalusugan ng mga mag-aaral mula sa matinding init ng panahon.

 “Our utmost priority will always be the welfare of our children. Since the summer heat is too much to bear, especially in classrooms, we welcome the implementation of blended, modular, or shortened class periods for public schools,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Sa ilalim ng kautusan, ang school heads ay kailangang iulat ang kanilang delivery mode ng lingguhan depende sa pagbabago ng panahon na naiiulat ng Pagasa.

Sa unang linggo ng Mayo, sa 95 elementary schools, dalawa ang nagpatupad ng print modular, 13 sa blended, at 10 ang nagpaikli ng oras ng klase.

Sa 63 secondary schools naman ay dalawa ang nagpatupad ng print modular, 26 sa blended, at 8 ang nagpaiksi ng oras ng pasok ng mga mag-aaral.

Ang shortened class period ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10:30 ng umaga para sa morning batch at alas-2:00 ng hapon hanggang  6:30 ng gabi para sa afternoon batch. 

vuukle comment

KLASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with