^

Police Metro

Apat na holdaper patay sa shootout

John Unson - Pang-masa
Apat na holdaper patay sa shootout
Kinumpirma kahapon ni Lt. Col. Realan Mamon, hepe ng Mlang municipal police, ang pagkasawi ng apat na suspek sa palitan ng putok sa mga pulis na nagtangkang pigilin sila sa bahagi ng highway sa isang barangay sa Mlang habang patakas sakay ng dalawang motorsiklo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Apat na holdaper na mga lalaki ang napatay ng mga pulis sa isang engkwentro nitong Huwebes ng gabi sa bayan ng Mlang, North Cotabato ilang minuto lang kasunod ng kanilang ginawang pagholdap sa karatig na bayan sa naturan ding probinsya.

Kinumpirma kahapon ni Lt. Col. Realan Mamon, hepe ng Mlang municipal police, ang pagkasawi ng apat na suspek sa palitan ng putok sa mga pulis na nagtangkang pigilin sila sa bahagi ng highway sa isang barangay sa Mlang habang patakas sakay ng dalawang motorsiklo.

“Una silang nangholdap sa Matalam at patakas na sana nang masabat ng aking­ mga tauhan. Tinangka silang pigilin ngunit naglabas ng mga baril at nagpa­putok kaya nagkaengkwentro na nagsanhi sa kanilang kamatayan,” pahayag ni Mamon.

Ayon kay Mamon, ina­alam pa ng kanilang mga imbestigador ang tunay na pagkakakilanlan ng apat na nasawing mga holdaper.

Ang bayan ng Matalam sa Cotabato ay di kalayuan sa Mlang, lugar ng magkahalong mga Muslim at mga Kristiyano na karamihan ay pagsasaka ng mais at palay ang ikinabubuhay.

HOLDAPER

SHOOTOUT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with