^

Police Metro

Sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila -- NWRB

Angie dela Cruz - Pang-masa
Sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila -- NWRB
Some residents of Tondo and Binondo area line up their empty containers to buy and store water following a water interruption in both districts on March 24, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng banta ng panana­lasa ng El Niño sa bansa.

Ito ang tiniyak ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr., bagama’t sapat ang suplay ng tubig, ay kinakailangan pa rin na magtipid ang publiko sa paggamit ng suplay.

Anya, normal pa naman ang suplay ng tubig sa Angat Dam na nasa 197.29 meters na pangunahing source ng tubig sa Metro Manila.

Sinabi pa ni David na walang malaking impact ang pagtataas sa water allo­cation sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) conces­sionaires sa 52 cubic meters sa buwan ng Abril.

“Ganoon pa man, ka­ilangan natin i-monitor ang kasalukuyang deve­lopment sa Angat Dam, lalo na sa pagpasok ng El Niño na posibleng pumasok bago magtapos ang taon at tatawid sa susunod na taon,” dagdag ni David.

EL NIñO

WATER SHORTAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with