^

Police Metro

LTFRB nagbigay ng mahigit 10K TNVS slots

Mer Layson - Pang-masa
LTFRB nagbigay ng mahigit 10K TNVS slots
Motorists endure heavy traffic along the westbound lane of Commonwealth Avenue in Quezon City on July 28, 2022.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Labis ang papuri ng pinakamalaking transport network vehicle service (TNVS) alliance sa bansa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nang magbigay ito ng mahigit 10,000 TNVS slots na magbibigay ng trabaho sa mga taga-Metro Manila at  kalapit na lugar.

 “Ang mga bagong slots ay magbubukas ng mga pangkabuhayang oportunidad sa ating mga kababayan na patuloy na naghahanap ng ibang pagkakakitaan matapos ang panahon ng pandemya”, wika ng TNVS Alliance of the Philippines (TAP).

Anya, hindi na maka­hintay ang TAP sa pagpasok ng mga bagong TNVS drivers sa komunidad na naghahatid ng ligtas at maginhawang serbisyong pangtransportasyon sa bawat Pilipino.

Nilalaman ng reso­lusyon ng LTFRB, na ­pirmado ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III at mga Board Members na sina Riza Marie Tan-Paches at Mercy Jane Paras-Leynes, ang pagbubukas ng 10,300 na mga bagong slots sa Metro Manila at mga probinsiya ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal.

Paliwanag ng buong LTFRB Board, batid nito na makatutulong ang mga karagdagang slots para magkaroon ng eksaktong numero ang TNVS na magsusuplay ng mga pangangailangan sa transportasyon ng mga pasahero.

TNVS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with