^

Police Metro

Hoarding nasilat: P135 milyong sibuyas, bawang nasamsam

Joy Cantos - Pang-masa
Hoarding nasilat: P135 milyong sibuyas, bawang nasamsam
Tumambad kay Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Services (BOC-CIIS) chief Alvin Enciso kasama ang Philippine Coast Guard at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang sako-sakong illegal na imported na sibuyas at bawang na nagkakahalaga ng P95 milyon sa isa sa mga pagsalakay sa isang cold storage facility sa Brgy. Catmon, Malabon City nitong Biyernes ng gabi.
Miguel de Guzman

23 bodega ni-raid sa Manila at Malabon:

MANILA, Philippines — Umaabot sa P135 mil­yong halaga ng imported na sibuyas at bawang ang nasamsam ng mga awtoridad matapos ang isinagawang magkahiwalay na pagsalakay sa mga bodega at establisimyento sa ­Maynila at Malabon.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Brig. Gen. Romeo Caramat Jr., ang operasyon ay kaugnay ng pinalakas na crackdown laban sa hoarding ng natu­rang mga produkto.

Sinabi ni Caramat na nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng CIDG-Anti-Transnational Crime Unit (ATCU), Bureau of Customs at Philippine Coast Guard (PCG) noong Biyernes dakong alas-3 ng hapon at ala-1 ng madaling araw nitong Sabado sa 23 bodega at establisimyento sa Manila at Malabon City. 

Ayon kay Caramat, nasa 40 hanggang 50 tonelada ng imported na sibuyas at garlic na nagkakahalaga ng P40 milyon ang nakumpiska mula sa 18 bodega sa kahaban ng Carmen Planas Street at tatlong bodega sa Sto. Cristo Street; pawang sa Tondo, Manila at isa pang bodega sa Binondo, Manila gayundin sa Balut, Tondo na tinatayang nasa 250 tonelada ng imported na sibuyas at bawang na nagkakahalaga naman ng P95 milyon ang nakum­piska mula sa bodega sa Gov. Pascual Ave., Brgy. Catmon, Malabon City.

“The operation was carried out in response to numerous reports of illegal importation and hoarding of agri-products, particularly locally produced ­onions, and garlic,” ayon kay Caramat.

Ang nakumpiskang mga imported na produkto ay naka-sealed at naka-padlock habang patuloy naman ang imbestigasyon upang madetermina kung sinu-sinong mga personalidad ang sangkot sa illegal na aktibidad upang masampahan ng kasong kriminal.

Pinapurihan ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo ­Azurin Jr. ang mga tauhan sa matagumpay na operasyon laban sa hoarding ng sibuyas at bawang.

SIBUYAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with