^

Police Metro

Pinoy todas sa LA mass shooting

Gemma Garcia - Pang-masa
Pinoy todas sa LA mass shooting
A man places a candle at a makeshift memorial during a candlelight vigil for victims of a mass shooting in front of the City Hall in Monterey Park, California on January 23, 2023. The 72-year-old Asian immigrant who killed 11 people on January 21, 2023, before shooting himself as police moved in on him was once a regular at the California dance club where a tragic gun massacre unfolded.
AFP / Frederick Brown

MANILA, Philippines — Isang Pinoy ang kabilang sa 11 kataong namatay sa mass sa shooting sa isang dance hall sa Monterey Park, Los Angeles, California noong Chinese New Year celebration.

Kinilala ni Deputy Con­sul General Ambrosio Enciso, Philippine Consu­late General sa Los Angeles ang nasawing Pinoy na si Va­lentino Alvero, 68-anyos.

Nitong Lunes, nasa 11 na ang namatay makaraang bawian ng buhay ang isa sa sampung sugatan sa mala­gim na insidente.

Ang mga biktima ay pawang nasa edad na 50s, 60s at 70s ayon sa Los Angeles County coroner.

Apat pa lamang sa mga nasawi ang kinilala na sina My Nhan, 65; Lilan Li, 63; Xiujuan Yu, 57; at si Alvero, 68.

Magugunitang katatapos lamang ng selebrasyon sa isang local Chinese community noong Sabado, January 21, nang pasukin ng shooter ang ikalawang palapag na dance studio—ang Lai Lai Ballroom and Studio at pinaulanan ito ng bala bago tumakas.

Ang hinihinalang shooter­ ay ang 72-anyos na si Huu Can Tran, Vietnamese, na natagpuang patay nang magbaril sa sarili sa loob ng isang kulay puting van sa Torrance.

Kaya’t hindi maitutu­ring na Asian hate crime ang nangyari dahil isang Asyano ang lumalabas na shooter, pero wala pang opisyal na pahayag hinggil sa kaganapang ito.

Nabatid na si Tran ay madalas sa naturang dance studio at isa ito sa mga volunteer dance instructor dito kaya may posibilidad umanong may mga taong sadyang target nito nang salakayin niya ang natu­rang lugar. Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso.

vuukle comment

MASS SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with