^

Police Metro

45 bagong Omicron subvariants, natukoy

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na base sa resulta ng pinakahuling genome sequencing sa mga samples ay natukoy ang 45 bagong COVID-19 Omicron subvariant cases sa bansa.

Sa genome sequen­cing ng University of the Philippines-Philippine Genome Center at San Lazaro Hospital mula 10 hanggang 16, natukoy ang 20 bagong kaso ng BA.2.3.20.

Sa Biosurveillance report, lahat ng mga kaso ng BA.2.3.20 ay pawang mga lokal na kaso at nagmula sa Western Visayas (15) at Davao region (5).

Isang kaso ng Ba.2.75 ang natukoy sa Western Visayas at isang kaso ng BA.5 mula sa Davao Region.

May 12 kaso ng XBB ang nadiskubre kung saan pito ang mula sa Central Visayas at lima naman mula sa Davao region.  Isa ring kaso ng XBC subvariant ang natukoy mula sa Davao region.

Bukod sa mga ito, may 10 pang kaso ng iba pang Omicron subvariants ang natukoy; siyam dito ay mula sa Davao region at isa sa Caraga.

DOH

OMICRON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with