Narco cops, kakasuhan kahit retirado na!
Tiniyak ng DILG…
MANILA, Philippines — “Kahit pa magretiro na ay hindi pa rin makakatakas sa imbestigasyon at prosekusyon ang mga tinaguriang narco cops o yung mga pulis na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade sa bansa.”
Ito ang tiniyak kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. sa pag-arangkada ng case build-up laban sa mga hinihinalang narco cops.
Binigyang-diin ni Abalos na ang proseso na isinasagawa nila ay hindi magtatapos lamang sa pagtanggap sa courtesy resignation ng mga police officials na hinihinalang sangkot sa illegal drugs.
Ayon kay Abalos, gagamiting gabay ng 5-man Advisory Group at ang National Police Commission (Napolcom) ang mga ebidensiyang hawak nila sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga ito.
Tiniyak ni Abalos na ang mga nagretirong pulis na may kinalaman sa illegal drug trade ay hindi nangangahulugang abswelto na sila dahil bubuo aniya ang departamento ng solidong kaso laban sa kanila upang sila ay makulong.
- Latest