^

Police Metro

137 nasugatan sa paputok - DOH

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) ang datos na kung saan ay nadagdagan pa ng 85 ang kaso ng fireworks related injuries sa bansa  kaya’t umakyat na kahapon ang bilang sa 137 mula noong Disyembre 21,2022 hanggang Enero 1,2023.

Ayon kay DOH offi­cer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa media forum na ginanap sa Baguio City General Hospital and Medical Center (BGHMC), kahapon ay nakapagtala lamang ng 52 kaso pero sa buong magdamag ay nadagdagan ito kaya umabot na sa kabuuang 137 kaso ng fireworks-related injuries.

Batay aniya sa comparison report, mas mababa ng 15 percent ang kaso kumpara noong 2021 sa kaparehong panahon, habang mas mababa naman ng 46 percent kumpara sa 5 year average period.

Dagdag pa ng opis­yal, batay pa rin sa comparison report mula sa mga rehiyon, ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng kaso sa parehong 2021 at 2022.

Sa Bicol, naitala ang pinakamalaking pagtaas ng mga kaso mula sa zero case noong 2021 habang nakapagtala ng iilang kaso rin sa Mimaropa at Mindanao.

Pitong rehiyon naman ang nakapagtala ng pagbaba ng fireworks related injury kabilang ang Region 3, 6, Calabarzon, 7 , 1, CAR, at BARMM.

Mga kalalakihan naman ang mas malaking bilang ng mga naputokan habang karamihan sa bilang ng mga kasong naitala ay mga nasa adolescent group o mga edad 12 Hanggang 17 taong gulang.

Pumapangalawa ang eye injury na bumubuo ng 30 percent ng total cases.

Habang panghuli naman ang blast o burns with amputation na bumubuo lamang ng 4 percent ng total cases.

Apat sa anim na blast o burn with amputation ay naputokan gamit ang legal na fireworks ka­tulad ng whistle bomb.Mas mababa naman ang nangangailangan ng amputation ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

vuukle comment

DOH

PAPUTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with