^

Police Metro

K-12 ‘di epektibo – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi ramdam ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang resulta ng K-12 program ng Department of Education (DepEd) lalo na sa aspeto ng pagkakaroon ng trabaho.

Ito ang inihayag ng Pangulo kasunod ng pag-uusap nila ni incoming DepEd Secretary Sonny Angara kung saan natalakay ang K-12 program.

Inatasan ni Marcos si Angara na tutukan ang programa dahil kung titingnan aniya ang resulta ng mga nakatapos sa K-12, hindi tumaas at hindi gumanda ang oportunidad na makapagtrabaho agad.

Sa ngayon ang kailangan lang aniya ay makipag-ugnayan sa pribadong sektor para mabigyang garantiya ng supply ng skilled workers.

Maliban dito, inatasan din ng pangulo si Angara na tutukan ang resulta ng mga estudyante sa international objective test lalo na sa STEM subjects dahil dito bumabagsak ang Pilipinas.

Matatandaan na isa si Angara sa mga may akda na nagsulong ng batas ng K to 12.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with