^

Police Metro

44 na ang namatay sa pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 44 ang nasasawi habang 28 ang nawa­wala bunsod ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na sa nasabing bilang ay mula sa Northern Mindanao, anim sa  Bicol at tig-apat sa Zamboanga at Davao, habang tig-tatlo naman sa Eastern Visayas at Caraga.

Sa mga nawawala, naitala ang tig-12 sa Bicol at Eastern Visayas, dalawa sa Northern Mindanao at tig-1 sa Western Visayas at Zamboanga.

Nasa 509,340 katao o 131,028 pamilya ang na­apek­tuhan sa 914 barangays sa Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Min­danao, Davao, Caraga at Bangsamoro.

Nabatid na 15,800 evacuees ang nasa evacuation centers habang  41,007  katao o 10,925 ang nasa iba’t ibang evacuation.

Iniulat din ng NDRRMC na umaabot na sa ma­higit P1.13 bilyon ang halaga ng danyos sa impras­traktura habang P232.7 milyon naman sa agrikultura.

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with