^

Police Metro

VP Sara caretaker habang nasa Thailand si Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magsisilbing caretaker­ muna ng bansa si Vice President at Education Sec­­retary Sara Duterte habang si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay nasa Thailand upang dumalo sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Kinumpirma ni Office of the Press Secretary Officer in charge Undersecretary Cheloy Garafil na gagampanan ni Duterte ang trabahong ito hanggang Sabado.

Dumating si Marcos sa Bangkok noong Miyerkules ng gabi, ilang araw matapos umuwi sa bansa mula Cambodia­ ma­ta­pos dumalo sa ASEAN Summit. Ang Thailand at Cambodia ay magkatabi lamang.

Makakahalubilo ng Pa­ngulo ang mga lider ng 20 bansa kabilang ang Estados Unidos, China, Japan at Australia.

Ang dala natin sa ganitong klaseng mga summit at mga meeting ay ang ating pangarap para sa magandang buhay. This is what we aspire for — a peaceful, prosperous Asia-Pacific region,” wika ni Marcos sa talumpati bago lumipad patungong Thailand noong Miyerkules.

APEC SUMMIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with