Climate justice advocates suportado ni Mayor Joy
MANILA, Philippines — Suportado ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang iba’t ibang grupo at organisasyon na nagtutulak ng climate justice.
Ginawa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pahayag kasabay ng nakatakdang pagtitipon ng civil society organizations sa Quezon Memorial Circle para sa March for Climate Justice sa Nobyembre 16.
Layunin ng grupo na himukin ang mga lider na dadalo sa COP 27 (2022 United Nations Climate Change Conference) sa Egypt at G20 summit sa Indonesia na maglatag ng mga solusyon na tutugon sa global climate at economic crises.
“We welcome all forms of freedom of expression, especially in our advocacy in promoting our climate mitigation and adaptation initiatives. The city is strongly encouraging people’s participation for this cause as everyone, regardless of their age or economic status, is affected by global climate change,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.
Kilala ang Quezon City bilang pangunahing siyudad sa Pilipinas na nagtutulak ng climate justice simula pa noong 2019.
Nagdeklara na ang Quezon City ng climate emergency kung saan itinatag ang clean, sustainable at environment-friendly programs.
- Latest