BARMM at Aklan isinailalim sa state of calamity!
Dahil sa flash floods at landslides
MANILA, Philippines — Nagdeklara na ng state of calamity ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at lalawigan ng Aklan dahil sa matinding flashflood at landslides dulot ng bagyong Paeng.
Ayon kay BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, ang rehiyon ay isinailalim sa state of calamity matapos na salantain ng matinding flashflood ang sampung munisipalidad sa Maguindanao gayundin ang lungsod ng Cotabato.
Ang Maguindanao ang pinakagrabeng naapektuhan ng flashflood at landslide kung saan nasa mahigit 40 katao ang iniulat na nasawi, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi ng opisyal na bagaman nakapaghanda sila sa pananalasa ng bagyong Paeng pero nabigla sila sa matinding epekto ng nasabing bagyo.
Inihayag ni Ebrahim na dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malalakas na pag-ulan na nagdulot ng pagapaw ng mga ilog at dagat bunsod upang rumagasa ang flashflood at landslide.
Sinabi naman ni 2nd District Aklan Rep.Teodorico Haresco Jr., naitala sa apat katao, isa ang nasugatan at dalawa ang nawawala sa pagbayo ng bagyong Paeng sa Aklan na isinailalim na sa state of calamity ng 19th Provincial Board nitong Biyernes ng hapon bago magtakipsilim. Ayon kay Haresco, sa Aklan ay maraming residente ang stranded sa bayan ng Numancia matapos na umapaw ang Aklan River at nagdulot ng grabeng mga pagbaha sa maraming munisipalidad dito simula pa noong Huwebes, Oktubre 27. Ang malalalim na pagbaha ay naitala sa bayan ng Libacao, Balete habang nag-viral Din sa social media na may mga residenteng nasa bubungan na ng kanilang mga tahanan.
Sinabi ng Kongresista sa inisyal na pagtaya ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Aklan, ang bagyong Paeng ay puminsala ng P83.6 milyong halaga sa agrikultura at imprastraktura hanggang alas-4 ng hapon nitong Oktubre 28.
- Latest