^

Police Metro

Snatcher utas sa sagasa ng bus sa EDSA

Mer Layson - Pang-masa
Snatcher utas sa sagasa ng bus sa EDSA
Ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaking snatcher matapos masalpok at maipit ng bus sa EDSA habang tumatakas matapos nakawan ang isang taxi sa terminal, kahapon.

MANILA, Philippines — Isang lalaki na sinasabing snatcher ang nasawi nang masagasaan at pumailalim sa pampasaherong bus habang tumatakas patungo sa Main Avenue Busway Station sa Quezon City, kahapon.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkaka­kilanlan ng lalaki na inilarawan lamang na nasa 35-40-anyos, may taas na 5’3”, katamtaman ang laki ng pangangatawan, nakasuot ng asul na tshirt at itim na jogger pants.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang driver ng Golden dragon passenger Bus na may plakang NDO-2907, na si Guillermo Sumadilla Labor, 45, ng Tibagan Caypombo, Sta. Maria, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Reinelle delas Alas ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 4, alas-12:40 ng tanghali nang maganap ang aksidente sa EDSA Santolan Fly-over Southbound, Brgy. Bagong Lipunan ng Crame, Quezon City.

Kasalukuyan umanong binabaybay ng bus driver ang southbound lane ng EDSA (carousel lane) patungong Ortigas Avenue, nang biglang tumawid ang lalaki.

Dahil dito, nasagasaan ng bus ang lalaki at pumailalim na nagresulta sa agaran nitong kamatayan nang maipit ang ulo.

vuukle comment

SNATCHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with