‘Karding’ nag-iwan ng 8 patay – NDRRMC
MANILA, Philippines — Umabot na sa walong katao ang naiulat na namatay sa super bagyong Karding na nag-iwan ng tinatayang P160 milyong pinsala sa sector ng agrikultura.
Sinabi kahapon ni Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro, Civil Defense Deputy Administrator for Operations at spokesperson ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang sa walong namatay ang 5 veteran rescuers sa Bulacan, 2 sa Zambales at 1 sa Quezon province.
Bukod sa 8 namatay, may ulat din umanong 3 mangingisda ang patuloy na nawawala sa Mercedes, Camarines Norte.
May kabuuang 45,334 katao o 11,500 pamilya ang lumikas sa kasagsagan ng bagyo.
Sinabi rin ni Alejandro na ang sector ng agrikultura ang pinakamatinding sinalanta ni Karding kung saan P160 milyong halaga ang naitalang pinsala. May 3,780 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.
- Latest