^

Police Metro

Libong pasahero at trabahador, stranded sa pantalan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na libu-libong pasahero at mga trabahador ang naitalang stranded sa iba’t ibang mga pantalan sa Katimugang Luzon at Bicol region dahil sa masamang lagay ng karagatan dulot ng bagyong Karding.

Sa datos ng PCG, nasa 2,519 pasahero, tsuper, at mga cargo helpers ang stranded sa mga pantalan, maging ang 39 na ‘rolling cargoes’, 18 vessels at 15 motorbancas.

May 71 vessels at 35 motorbancas naman ang nakikisilong sa mga pantalan habang hinahagupit ng masamang panahon ang karagatan.

Sa monitoring ng PCG sa mga pantalan sa Southern Luzon kabilang ang Pier 8 sa Tondo, Maynila at 25 pang mga pantalan, nasa ‘moderate to rough’ na ang kondisyon ng dagat. Gayundin sa Bicol region partikular na sa Virac Port.

Patuloy na nagbabala ang PCG sa mga mangi­ngisda at mga operators ng mga pampasaherong bangka na huwag pumalaot hanggang hindi tuluyang lumilisan sa bansa ang bagyo at umaayos ang kondisyon ng karagatan.

PHILIPPINE COAST GUARD

STRANDED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with