Paglilikas ng mga Pinoy sa Taiwan pinag-aaralan na ng MECO
MANILA, Philippines — Dahil sa tumtinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China dahil sa ginawang pagbisita ng isang US official sa Taiwan, pinag-aaralan na ng pamahalaan ang planong paglilikas sa mga Pinoy sa Taiwan.
Sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo, sinabi ni Mercedita Kuan, secretary-general ng Filcom Taiwan Northern na magpupulong sila tungkol sa evacuation plans na bagaman at normal pa aniya ang sitwasyon sa Taiwan ay namamayani pa rin sa kanila ang takot.
Sinabi ni Kuan na magkakaroon ng virtual meeting sa Linggo ang kanilang grupo at Manila Economic and Cultural Office (MECO) upang talakayin ang mga plano sa paglikas kapag tumindi ang tensiyon sa Taiwan.
Ang MECO, isang non-profit na entity na nagsisilbing “unofficial” na link sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan. Itinayo ang MECO noong 1975 bilang kinatawan ng Pilipinas sa Taiwan.
Sinabi ni Kuan na sa gagawing pagpupulong sa Linggo ay lilinawin nila sa MECO kung papaano ililikas ang nasa 8,000 undocumented overseas Filipino workers.
- Latest