^

Police Metro

Sa panggigipit ng mga kliyente 117 empleyado ng online lending, inaresto!

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa sinasabing pangha-harass sa kanilang mga kliyente, arestado ang nasa 117 empleyado ng isang lending company sa kanilang tanggapan sa Pasig City kamakalawa.

Ang mga inarestong suspek ay pawang collection specialist ng Populus Lending Corporation, isang online lending agency (OLA), na inirereklamo ng kanilang mga kliyente sa pananakot at pamamahiya sa pamamagitan ng ipinadadalang text messages. 

Batay sa ulat, pinasok ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACG) ang tanggapan ng lending company na matatagpuan sa Ortigas Center dakong alas-3:00 ng hapon matapos na makatanggap ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga ito.

Nabatid na makikita pa sa mga computer ng mga inarestong suspek kung paano nila takutin at murahin ang kanilang mga kliyente.

Bukod sa PNP-ACG, kasama rin sa raid ang mga tauhan ng National Privacy Commission (NPC) pati na ang Securities and Exchange Commission (SEC), upang masuri kung kumpleto sa mga papeles ang kumpanya.

Modus ng mga suspek na kuhanin ang personal contacts ng mga kliyente para i-harass ipahiya kung hindi makapagbayad ng kanilang utang sa oras.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Data Privacy Act of 2012.

vuukle comment

ONLINE LENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with