^

Police Metro

Ilang mga bilyonaryo sa bansa buwisan

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang madagdagan ang kita ng gobyerno, nais ni Senador Win Gatchalian na buwisan ang ilang mga bilyonaryo sa bansa.

Napansin ni Gatchalian na ang mga bilyonaryo sa bansa ay hindi kabilang sa mga top taxpayer.

Sinabi pa ng Senador, na mas malaki pa ang ibi­nabayad na buwis ng mga sikat na personalidad sa tele­bisyon at pelikula dahil sila ang madalas na namo­monitor ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Kaya ang ipinagtataka ng mambabatas, bakit ang mga nasa billionaire’s list ay wala sa listahan ng BIR na top taxpayers list.

Giit ni Gatchalian, dapat ayusin ang sistema ng bansa para ang mga may kaya o ‘yung mayayaman ay mas mataaas ang babayaran nila na tinatawag din na progressivity.

Kaya plano ni Gatcha­lian na maghain ng panukala na naglalayong dagdagan ng buwis ang mga ma­ya­yaman at umaasa siyang susuportahan siya ng mga kapwa senador.

TAXPAYER

WIN GATCHALIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with