^

Police Metro

Mga ospital pinaghahanda Marburg virus nagbabanta sa Pinas

Danilo Garcia - Pang-masa
Mga ospital pinaghahanda Marburg virus nagbabanta sa Pinas
A health worker fixes at bed at East Avenue Medical Centers’ Center for Emerging and Re-emerging Infectious Disease in Quezon City.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dapat handa na ang mga ospital sakaling makapasok sa bansa ang Marburg virus, isang highly infectious disease na kagaya ng Ebola.

Ito ang sinabi ni Dr. Rontgene Solante sa Laging Handa briefing na dapat magpatupad ang gob­yerno ng mga kahalintulad na po­lisiya sa kung paano iha-handle, iko-contain at pi­pi­gilan ang pagkalat ng Marburg virus gaya ng ginawa nito noong Ebola scare noong 2016.

“Sa ‘kin, hindi ‘yan remote na puwede tayong­ pa­sukan dito just like any other­ emerging and reemerging infectious diseases. We always try to prepare for that na hindi makapasok. O kung makapasok man, dapat preparado ang mga healthcare facilities natin,” ani Solante.

Noong 1967 nang unang­ ma-detect ang Marburg virus na “clinically similar” sa Ebola virus.

Kapwa “rare” ang da­la­wang virus na kung ma-detect sa isang lugar ay maaaring magdulot ng “mataas na fatality rates.

Ayon pa sa World Health Organization (WHO), na­isasalin ang virus sa tao mula fruit bats at kumakalat sa mga tao sa pamama­gitan ng human-to-human transmission.

Sinabi rin ni Solante na oras na lamang ang hinihintay sa pagpasok ng BA.2.75 subvariant na nasa 10 hanggang 12 bansa na kabilang ang India. Kailangan din umanong maghanda ang healthcare system ng bansa tulad ng ginawang paghahanda sa BA.5 subvariant.

HOSPITAL

VIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with