^

Police Metro

NAS pangarap na natupad para sa mga atletang Pinoy — Go

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ininspeksyon nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher “Bong” Go ang National Academy of Sports sa New Clark City, Capas, Tarlac kamakalawa, nang maimbitahan ang una bilang guest of honor at speaker para sa naturang event.

Sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati na matagal nang pangarap ni Go, noong aide pa niya ito, na makapagtayo ng isang sports complex sa bansa na magpapasilidad sa pagsasanay sa mga aspiring athletes, kasabay nang pagbibigay sa mga ito ng de kalidad na edukasyon.

Sinabi naman ni Go na ang paghubog ng mga mahu­husay na atleta, na makapaghahatid ng karangalan sa bansa ay nangangailangan ng collective effort para sa buong bansa.

Ayon pa kay Go, ang tagumpay nila ay tagumpay ng buong sambayanan, ngunit ang tagumpay ay nanga­ngailangan din ng karampatang pagsisikap hindi lang mula sa atleta kundi pati na rin sa may tungkuling supor­tahan sa preparasyon at kompetisyon.

Bilang bahagi ng bisyon na makapagkaloob ng dedi­cated academy para sa mga promising young athletes, iniakda at inisponsoran ni Go ang panukala sa Senado na naging Republic Act No. 11470 noong 2020 na nagbigay-daan sa pagtatayo ng NAS System at Main Campus.

Ang NAS ay nag-aalok din ng secondary education program na may integrated special curriculum sa sports na dinebelop sa masusing pakikipagtulungan sa Department of Education at Philippine Sports Com­mission.

vuukle comment

NATIONAL ACADEMY OF SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with