^

Police Metro

Maraming residente lumikas sa patuloy na pag-alburoto ng Bulkang Bulusan

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy na dumarami ang bilang ng mga residente na lumilikas dala ng matinding takot, dahil sa pag-aal­buroto ng Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Ayon kay Radeen Dimaano, Sorsogon Provincial­ Disaster­ Risk Reduction Management Office (PDRRMO) chief, hanggang alas-2:00 ng hapon kahapon ay nasa  475 residente mula sa Juban at Bulusan ang nadala na sa mga evacuation centers. Ang mga evacuees ay lubhang sinalanta ng ashfall simula nang pumutok ang Bulkan Bulusan noong Hunyo 5 at Hunyo 12.

Nabatid pa kay Dimaano na madaragdagan pa ng bilang ng mga evacuees dahil marami pang residente ang handang lumikas dahil sa inaasahang mas malakas na pagsabog sa mga susunod na araw.

Mahigpit ang kanilang koordinasyon sa Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs) personnel sa Sorsogon kung saan sa pinakahuling bulletin, 106 volcanic quakes ang nakita ng ahensiya at pabagu-bago ang parameters ng bulkan na isang indikasyon ng abnormal na galaw nito.

BULKANG BULUSAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with