^

Police Metro

Higit 1K inmates sa MCJ may TB

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigit 1,000 persons deprived of liberty (PDLs) na kasalukuyang nakapiit sa male dormitory ng Manila City Jail ang dinapuan ng pulmonary tuberculosis o TB.

Ito ang sinabi ni Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) National Capital Region (NCR) spokesperson Midzfar Omar na ang mga natu­rang PDLs ay kasalukuyan nang naka-isolate at nilalapatan ng lunas.

Mayroon pa umanong nasa 200 PDLs pa ang naghihintay ng resulta ng kanilang confirmatory tests.

Nabatid na mayroong 5,000 PDLs sa male dormitory ng MCJ.

Una nang iniulat ng BJMP-NCR na mahigit 100 PDLs ng Pasay City Jail ang naka-isolate dahil hinihinalang dinapuan ng TB.

TUBERCOLOSIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with