^

Police Metro

P2.5 bilyong fuel subsidy sa PUV drivers ilalabas na

Malou Escudero - Pang-masa
P2.5 bilyong fuel subsidy sa PUV drivers ilalabas na
Ayon kay DBM OIC Usec Tina Canda, na P5 bilyon ang kabuuang tulong na ilalaan sa mga tsuper kung saan ang kalahati o P2.5 bilyon ay ilalabas sa Abril at ang Department of Transportation (DOTr) ang nakatakdang mamahagi ng pondo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Budget and Ma­nagement na nakatakdang ilabas ng gobyerno ang P2.5 bilyon fuel subsidy para sa 377,000 dri­vers ng pampublikong sasakyan.

Ayon kay DBM OIC Usec Tina Canda, na P5 bilyon ang kabuuang tulong na ilalaan sa mga tsuper kung saan ang kalahati o P2.5 bilyon ay ilalabas sa Abril at ang Department of Transportation (DOTr) ang nakatakdang mamahagi ng pondo.

Sinabi ni Canda na pumayag ang Economic Development Cluster na doblehin ang halaga ng fuel subsidy kung saan ang P2.5 bilyon ay ­ibinigay ngayong Marso at ang isa pang P2.5 bilyon ay sa susunod na buwan.

Nauna nang inihayag ni National Economic Deve­lopment Authority (NEDA) Director  General at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na itataas sa P5 bilyon ang fuel subsidy sa gitna nang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Inaasahan naman na P6,500 ang matatanggap ng bawat tsuper bilang fuel subsidy na posibleng ibigay sa kanila anumang araw.

vuukle comment

FUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with