^

Police Metro

Voter registration extension aprub sa mga lugar na apektado ni ‘Julian’ - Comelec

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia na posibleng palawigin ang voter registration period sa mga lugar na apektado ng bagyong Julian, partikular na sa Northern Luzon.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Garcia na wala nang magiging extension sa mga lugar na hindi naman apektado ng bagyo gaya ng National Capital Region (NCR).

Anya, kahapon ang katapusan ng re­gistration of voters na bagamat sinabi namin hindi kami magpapa-extend ng registration ay kasalukuyang binabagyo ‘yung mga lugar may Northern Luzon kung kaya binigyan ng authority ang regional offices na nasa kanila na ang discretion kung hindi ipagpapatuloy ang voter registration para sa paghahanda sa 2025 national and local elections at Bangsamoro polls.

Nagtapos kahapon ang voter registration period para sa 2025 May polls na nagsimula noong Pebrero 12.

Hanggang Setyembre 17, nakapagproseso ang Comelec ng nasa 6,442,112 registrations para sa 2025 national and local elections. Habang 5,376,630 botante naman ang na-deactivate at kabuuang 714,152 botante ang binura sa listahan.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with