PAO chief Acosta hindi dapat papasukin sa opisina
MANILA, Philippines — Matapos umaming hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19 si Public Attorney Office (PAO) Chief Persida Rueda Acosta ay dapat hindi ito papasukin ng Malacañang at Department of Justice (DOJ) sa kanyang opisina.
Ito ang sinabi ni Senate Minority leader Franklin Drilon dahil inilalagay ni Acosta ang buhay, kalusugan at kaligtasan ng mga katrabaho sa PAO.
Paliwanag pa ni Drilon na maaakusahan din ng double standard ang gobyerno kung hahayaan na mag-report sa opisina si Acosta habang hinihigpitan ang hindi bakunado tulad ng pagbabawal sa kanila na sumakay sa mga pampublikong transportasyon.
Kung seryoso umano ang gobyerno sa ‘no vax, stay home policy’ at sa ‘no vax, no ride policy’ dapat itong pairalin sa lahat at ipakita kay Acosta na hindi dapat papasukin hanggang hindi nagpapabakuna.
- Latest