Novaliches-Balara Aqueduct 4 project ng Manila Water, malapit nang matapos
MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang landmark milestone project na Novaliches-Balara Aqueduct 4 (NBAQ4) makaraang matagumpay na tumagos sa La Mesa Reservoir ang gamit nitong tunnel-boring machine (TBM) mula sa entry shaft nito sa Balara, Quezon City na may 7 km ang layo.
Ang Php5.5B NBAQ4 project ay isa sa pinakamalaking water supply infrastructure projects sa pangunguna ng MWSS. Ang proyektong ito na naglalatag ng ikaapat na aqueduct mula La Mesa Reservoir papuntang Balara Treatment Plants (BTP) 1 at 2 ay isinasagawa ng Manila Water upang masigurong mananatiling maayos ang raw water transmission system.
Ang NBAQ4 ang kauna-unahang proyekto sa Metro Manila na gumamit ng TBM technology. Sa pagtatapos ng pipelaying ay tuluyan nang babaklasin ang TBM Dalisay at ang mga accessories nito at sisimulan na ang pagtatayo ng intake tower, outlet tower, at downstream network system. Inaasahang matatapos ang proyektong ito sa June 2022.
- Latest