Velasco nanguna sa job performance rating survey
MANILA, Philippines — Sa isinagawang nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa mahigit 300 Kongresista ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay nanguna si House Speaker Lord Allan Velasco sa job performance rating.
Si Velasco (Marinduque, Lone District) ay nakakuha ng 85% job performance rating ang nanguna bilang Top District Representative sa buong Pilipinas. Samantalang pumangalawa naman si Cong. Ronnie Zamora (San Juan City, Lone District) na may 80% mark; pangatlo si Cong. Pablo John Garcia (Cebu, 3rd District) na may 78% score; pang-apat si Cong. Michaela Violago (Nueva Ecija, 2nd District), na may 74% rating at panglima si Cong. Kristine Singson-Meehan (Ilocos Sur, 2nd District) na may 70% na boto.
Nasa pang-anim na puwesto si Majority Floor Leader Cong. Ferdinand Martin Romualdez (1st District Leyte) na may 68%; sumunod sina Cong. Rufus B. Rodriguez (Cagayan de Oro City, 2nd District) na may 67% rating na pang-pito; Cong. Paolo Duterte (Davao City, 1st District) na may 65% at naging pangwalo; Cong. Evelina Escudero (Sorsogon, 1st District) na may 64% rating na nasa ika-9 na puwesto at pang-sampu si Cong. Rogelio Pacquiao (Sarangani, Lone District) na may 62%.
- Latest