^

Police Metro

Duterte-Duterte tandem inismol ng 1Sambayan

Joy Cantos - Philstar.com
Duterte-Duterte tandem inismol ng 1Sambayan
Sinabi ni 1Sambayan Convenor ret. Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio kung babalikan ang dating mga resulta ng maagang survey ay hindi nanalo sa eleksyon ang survey frontrunners dahil ang tunay na survey ay maaaring makita sa Marso o ilang buwan bago ang May 2022 election.
Monkayo municipality/Released

MANILA, Philippines — Mistulang inismol ng 1Sambayan, ang koalisyon ng oposisyon ang Duterte-Duterte tandem matapos na manguna sa Pulse Asia survey sina Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential race at ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente sa mga potensyal na kandidato sa May 2022 national elections sa bansa.

Sinabi ni 1Sambayan Convenor ret. Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio kung babalikan ang dating mga resulta ng maagang survey ay hindi nanalo sa eleksyon ang survey frontrunners dahil ang tunay na survey ay maaaring makita sa Marso o ilang buwan bago ang May 2022 election.

Anya, maliit na porsi­yento lamang ang isinurvey at hindi ito ang kabuuang sentiyemento ng mga botante sa bansa at ‘mind conditioning‘ ang survey.

“Kung nais mong ma­nguna ay sa mismong balwarte ng kandidato ito dapat isagawa,” pahayag ni Carpio.

Sinabi naman ni Ba­yan Muna Rep. Ferdinand Gaite, na hindi lamang political dynasty bagkus ay isang monarkiya na ang niluluto ng administrasyon sa Duterte-Duterte tandem.

Kinastigo rin ni Gaite ang pagpapalusot at pag­­papaikot sa batas na gi­nagawa ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) ni Ma­yor Sara nang sabihin ng tagapagsalita nitong si Anthony del Rosario na hindi ‘political dynasty’ kahit pa mahalal na Pa­ngulo at Bise Presidente ang mag-amang Duterte sa May 2022 election.

Una nang sinabi ni Atty. Howard Calleja, convenor ng 1Sambayanan na ibabasura ng mga Filipino ang Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential elections dahil malinaw na ito ay pag-iinsulto sa mga Filipino.

vuukle comment

SARAH DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with