^

Police Metro

Pekeng COVID-19 test results gamit ng sindikato, nabuko

Danilo Garcia - Pang-masa
Pekeng COVID-19 test results gamit ng sindikato, nabuko
Ito ay matapos masabat ng immigration officers at tauhan ng NBI-International Airport Investigation Division (IAID) ang isang Household Service Workers (HSWs) na itinago ang pagkakakilanlan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong Hunyo 22.
APA/AFP/George Hochmuth

MANILA, Philippines — Upang iligal na maka­pagpalabas ng bansa ng mga Pinoy workers patungo sa Gitnang Silangan ay gumagamit ang sindikato ng human trafficking ng pekeng COVID-19 test results.

Ito ay matapos masabat ng immigration officers at tauhan ng NBI-International Airport Investigation Division (IAID) ang isang Household Service Workers (HSWs) na itinago ang pagkakakilanlan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong Hunyo 22.

Kaya’t umalerto nga­yon ang Bureau of Immigration (BI) at NBI sa modus ng paggamit ng pekeng COVID-19 RT-PCR test results.

Hinarang ng mga immigration officers ang suspek dahil sa kahina-hinalang mga dokumento at nang isailalim sa im­bestigasyon ng NBI-IAID ay dito natuklasan na peke rin ang ipinakita niyang COVID-19 test results dahil sa wala siyang rekord buhat sa Chinese General Hospital.

Nitong Hunyo 26 naman nang masabat sa NAIA Terminal 3 ang dalawa pang Pinay na magtatrabaho sana bilang domestic helper sa Saudi Arabia na kapwa menor-de-edad.

Pinapayagan lamang na makapagtrabaho bilang HSWs ang mga nasa edad higit 23-anyos.

COVID-19

HUMAN TRAFFICKING ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with