^

Police Metro

Chopper crash sa Tarlac: 6 todas

Artemio Dumlao - Pang-masa
Chopper crash sa Tarlac: 6 todas
Ayon kay Colonel Ernesto Rabina na nakabase sa Airbase ng Tarlac na ang bagong biling chopper ay nagsasagawa ng night flight training ­exercise nang maganap ang aksidente.
PAF via PNA

MANILA, Philippines — Tatlong piloto at tatlong airmen ng Philippine Airforce na sakay ng S-70i Black Hawk Utility Helicopter ang nasawi nang bumagsak ang kanilang chopper malapit sa Crow Valley, Capas, Tarlac, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Colonel Ernesto Rabina na nakabase sa Airbase ng Tarlac na ang bagong biling chopper ay nagsasagawa ng night flight training ­exercise nang maganap ang aksidente.

Ayon sa ipinadalang official statement ng PAF na ibinigay sa Northern Luzon Command, naiulat na ang helicopter ay hindi nakarating sa takdang oras sa kanyang station Clark Air Base, Pampanga.

Hindi pa pinangangalanan ang mga nasawi sa aksidente dahil inuuna pang kontakin ang kanilang mga pamilya.

Anila, ang night flight training ay sadyang delikado, pero kailangang pagsanayan ng mga piloto.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa pamilya ng tatlong nasa­wing piloto at tatlong airmen.

Pansamantala munang hindi ipapagamit ang lahat ng Blackhawk chopper habang isinagawa ang imbestigasyon.- Doris Franche

PHILIPPINE AIRFORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with